Pahayag ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ukol sa special concern lockdown

(QC LGU)

Nais bigyang-linaw ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang isyu ukol sa umano’y pag-lockdown ng iba’t-ibang barangay sa lungsod.

Una, hindi totoo na may 25 barangay sa QC na idineklara bilang lockdown areas. Nabanggit po lamang ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang mungkahi, at kasalukuyan itong pinag-aaralan pa ng QC LGU.

Ikalawa, bagama’t may 2,080 active cases sa lungsod (as of Aug. 14), kailangan itong ilagay sa konteksto na ang QC rin ang lungsod na may pinakamalaking populasyon sa buong bansa. Kaya sa listahan ng DOH ng “Cities with the Most COVID-19 Cases per Million Residents,” ika-labing anim lamang dito ang Quezon City. Gusto rin po nating bigyang-diin na maganda ang COVID recovery rate sa QC na nasa 71%.

Ikatlo, mula pa noong Mayo, nagpapatupad na ng localized lockdown sa QC na tinatawag nating “Special Concern Lockdown” (SCL). Pinuri pa ito ni COVID-19 National Task Force chief implementer Carlito Galvez, Jr. bilang isang napaka-epektibong sistema na dapat pa ngang tularan ng ibang LGUs para mas makontrol ang COVID-19. Idinideklara ang SCL sa mga kakaibang sitwasyon lang. Halimbawa, kung may kumpul-kumpol na kaso ng COVID-19 sa mga magkakalapit na kabahayan, mga lugar na dikit-dikit ang mga tirahan, masisikip ang mga daanan, o ang mga palikuran ay panlahatang-gamit. Ang importante po sa pagtatalaga ng SCL areas ang rekomendasyon ng QC Health Dept o ng QC Epidemiology and Surveillance Unit. Sa ating ipinatutupad na sistema, ang huling hakbang bago gawing SCL ang isang lugar ay ang pagkakasundo ng Pamahalaang Lungsod, barangay at QCPD para sa maayos na implementasyon.

Ika-apat, dahil po sa sistema ng SCL, naiiwasan ang lalong pagkalat ng sakit sa mga lugar na mataas ang clustering. Ang pagpili sa mga lugar na ilalagay sa SCL ay idinadaan sa masusing pag-aaral ng mga datos. Sa ngayon, wala pang dahilan upang isa-ilalim sa SCL ang mga nabanggit ni Sec. Nograles na mga barangay. Pero dahil tayo po ay nakikinig din sa mga mungkahi ng IATF, pag-aaralan po nating muli ang mga datos ng mga ito.

Nilinaw na po ni Mayor Joy Belmonte ang mga ito sa kampo ni Sec. Nograles at tuluy-tuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa IATF. Maging panatag po tayong lahat na ang inyong lokal na pamahalaan ay pinag-aaralang mabuti ang buong sitwasyon, at laging magbibigay ng kaukulang abiso. Ang pagtalaga ng “Big Brother” ng National Government sa mga LGU ng Metro Manila ay para makatulong sa mabilis na koordinasyon sa pagtugon sa pandemya, at hindi para manghimasok sa mga patakaran at pamamalakad ng LGU.

Makaaasa po ang QCitizens na kontrolado po ng Pamahalaan ng Lungsod Quezon ang sitwasyon at, kasama ang National Government, tayo’y walang tigil na lumalaban sa COVID-19.

Sundan lang po ang updates mula sa ating page. Maraming salamat po.

Popular

PBBM unbothered by dip in ratings, decline due to fake news – Palace

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency On Monday, April 21, Malacañang said President Ferdinand R. Marcos Jr. remains focused on governance despite a...

PBBM decries ‘gangster attitude’ over road rage incidents

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday denounced what he described as a growing culture of aggression...

Palace hails PH humanitarian team for Myanmar quake response

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang commended members of the Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) who returned Sunday evening from a mission...

AFP welcomes ‘West PH Sea’ inclusion on Google Maps

By Brian Campued The inclusion of the West Philippine Sea (WPS) on Google Maps further asserts the country’s internationally recognized sovereign rights over its maritime...