By May Diez | Radyo Pilipinas Butuan
Naitala kahapon (Enero 21) ng Agusan del Sur Provincial Health Office ang pinakamataas na bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong buwan ng Enero.
Nitong ika-21 ng Enero, umabot sa 245 ang mga bagong kaso kung saan pinakamaraming bilang ay mula sa bayan ng San Francisco na sinundan ng bayan ng Prosperidad.
Sa kabuuan ay mahigit 14,000 na ang mga kumpirmadong kaso pero sa kasalukuyan ay 1,445 ang aktibo.

Inanunsiyo naman ni Governor Santiago Cane Jr. sa kaniyang Facebook account na isinailalim na sa Alert Level 4 ang lalawigan at magpapatuloy hanggang katapusan ng Enero.
Aniya, magpapalabas siya ng executive order sa lalong madaling panahon.
Aminado ang gobernador na bagama’t siya at maging ang iba pang mga kasamahang opisyal ay nagka-COVID, hindi sila nakaranas ng moderate symptoms at agad ding gumaling dahil sila ay mga bakunado na.
Kaya naman nanawagan ang gobernador sa mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na para maligtas sa COVID-19. (RPU) -ag