Repatriation ng mga Pinoy sa India, inaasikaso na

Tiniyak ng Malacañang na nakatutok ang pamahalaan sa sitwasyon ng ating mga kababayan sa buong mundo sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.

Sa India, ikinakasa na ng gobyerno ang repatriation program para sa mga Pilipinong nais magbalik-bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang masisimulan ito sa lalong madaling panahon, o pagkatapos ng umiiral na travel ban sa Pilipinas mula sa mga biyaherong galing sa India.

“I think there will have to be a minimum number… para tayo’y maka-charter ng eroplano at iuwi sila. At siguro po, it will be some time in the future kasi the total ban is until the 14th,” sabi ni Roque sa kanyang briefing nitong Lunes (Mayo 3).

Iniulat naman ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr. na umabot na sa 73 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 doon.

“[Sa] tulong ng FilCom [Filipino Community], what we have done is to…provide them all the information and the numbers that they can communicate with the embassy,” ani Bagatsing.

“Sa tulong ng DFA [Department of Foreign Affairs], we have arranged a system wherein iyong mga COVID support group, in terms of medicines and the supplies and the food requirements, we can address their issues, kasi napakalaki ng India.” 

Panoorin ang ulat ni Mela Lesmoras:

 

Bakunang mula India, hindi maaantala

Tiniyak naman aniya ng Indian government na hindi maaapektuhan ang pamamahagi nito ng supply ng bakuna sa Pilipinas.

“So 8 million [doses] po iyong Covaxin, and once all the approvals are in place, they can send it there within one month,” ani Bagatsing.

“Iyong 30 million ng Novavax, this is a tie-up with Serum Institute of India which is the largest vaccine manufacturer in the world… these 30 million [doses] and the scheduled delivery there is [in] the third or fourth quarter of this year,” dagdag niya.

Ipinaliwanag din niya na hindi ipinagbabawal ng India ang pag-export ng bakuna, ngunit kinakailangan ang kanilang pahintulot bago ito ipadala sa Pilipinas. – Ulat ni Mela Lesmoras/AG-jlo

 

 

Popular

PBBM expects operational Metro Manila subway by 2028

By Dean Aubrey Caratiquet On the heels of an earlier event where he graced the official launch of the 50% train fare discount for senior...

Surveys won’t affect PBBM’s commitment to serve —Palace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. remains unfazed and focused on working to address the needs of the Filipino people, Malacañang said, underscoring...

Palace tackles updates on upcoming PBBM SONA, issues response on timely issues

By Dean Aubrey Caratiquet At the Malacañang press briefing this Tuesday, July 15, Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro discussed...

PBBM OKs proposed P6.793-T budget for 2026 —Palace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has approved the proposed P6.793 trillion national budget for 2026, Malacañang announced Tuesday. In a press briefing, Palace...