Sa pagluwag ng ekonomiya, ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan laban sa COVID-19

By Jasmine B. Barrios 

Nitong Biyernes, inanunsyo ng Malacañang ang pinakahuling polisiya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Kabilang na rito ang pagpayag na bumyahe o pumasyal sa ibang lugar ang mga taong fully vaccinated na o naka-dalawang doses na ng COVID-19 vaccines. Nguni’t nasa desisyon pa rin ng mga lokal na pamahalaan kung kakailanganin pa rin ang negative RT-PCR tests bago makapasok ang sinuman sa kanilang lugar.

Pagbibigyan na rin ang batang limang taon pataas na kumain sa labas o al fresco dining. 

Dala ito ng unti-unting pagbaba ng bilang ng hawaan sa National Capital Region (NCR) Plus ng 300 hanggang 400 kumpara sa dami ng mga nagkakasakit bago nagkaroon ng surge. Bumababa na din ang pagtaas ng kaso sa pang-araw araw sa Visayas at Mindanao matapos ang peak o pagtaas noong Hunyo. Pero patuloy pa rin ang pagtaas sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR). 

Sa kabila ng unti-unting pagluwag ng patakaran at pagbubukas ng mga negosyo tungo sa General Community Quarantine, masigasig pa ring napapaalala ang Department of Health (DOH) ukol sa kahalagahan ng pagbabakuna at patuloy na pagsunod sa mga Minimum Public Health Standards.

Base sa datos noong Hulyo 4, 8.8 milyong Pilipino na ang nabakunahan ngunit 2.87 milyon pa lamang ang nakakumpleto ng dalawang doses. Mahalagang makatanggap ang isang indibidwal ng kumpletong dose ng bakuna para sa mas ibayong proteksyong maibibigay nito kontra COVID-19.

Malayo pa ang nasabing bilang sa inaasam na 60 hanggang 70 porsyento ng populasyon para makamit ang population protection ngunit ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapanatiling maayos ang  programa ng pagbabakuna nito. 

Bagamat medyo matagal ang pag-usad ng pagpasok ng mga bakuna sa bansa, sinisiguro ng mga ahensya ng gobyerno na maayos ang pagpapatakbo ng  National COVID-19 Vaccine Deployment Program sa tulong na rin ng pribadong sektor. Dahil sa limitadong suplay, inuunang makakumpleto ng bakuna ang mga senior citizen at mga may co-morbidities o may mga ibang sakit dahil sila ang mas mabilis mahawaan o madapuan ng virus. 

Mahigpit ding binabantayan ang pagpasok ng mga biyahero galing sa iba’t ibang bansa lalo na ang pinagmulan ng Delta variant ng nakamamatay na virus. 

Habang ginagawa ng pamahalaan at pribadong sektor ang lahat upang mapigilan ang paglala ng pandemya sa Pilipinas, mahigpit pa rin ang paalala ng  DOH tungkol sa napakahalagang ambag ng bawa’t isa sa  ikaliligtas ng lahat. Ito ay ang patuloy na pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsuot ng face masks at shields, paghugas ng kamay o paglinis sa pamamagitan ng alcohol o hand sanitizers, at  pagpapanatili ng isang metrong  distansya lalo na sa matataong lugar. Tandaan, ang kaligtasan ng isa, ay kaligtasan ng lahat. 

  

Popular

PBBM: Robust PH-Japan ties vital to Indo-Pacific stability, prosperity

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday emphasized the importance of stronger Philippine-Japan relations in maintaining stability...

First Couple receive Japan’s highest honors in State call with royal family

By Dean Aubrey Caratiquet After departing for Tokyo and meeting with the Filipino community late Tuesday, President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Louise...

PBBM hails Filipino community’s role in forging PH-Japan relations

By Brian Campued “Sa bawat pagkakataong ibinibigay sa akin na makaharap ang ating mga kababayan sa ibayong-dagat, iisa ang aking nararamdaman—malalim na pasasalamat, taos-pusong paghanga...

PBBM not pushing Charter change for term extension

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Tuesday dismissed as mere speculation the claims that President Ferdinand R. Marcos Jr. is eyeing...