Sandamakmak na alamang ang napadpad sa isang dalampasigan sa Casiguran, Aurora nitong Linggo.
Sa isang Facebook post ni Fronda D. Donna kahapon (Hunyo 3), nagmistulang pink beach ang dalampasigan matapos maipon dito ang mga inanod na alamang o maliliit na hipon.
Ang nasabing post ay mayroon nang halos 500 reactions at 1.4 libong shares.
Noong Abril 26, nabiyayaan din ang mga residente ng Casiguran matapos mapadpad sa nasabing baybayin ang napakaraming dilis. – AG/rir