Statement of Sen. Bong Go

Bilang Chair of the Senate Committee on Health, umaapela ako sa gobyerno na pag-aralan ang posibleng pagpapatupad ng travel restrictions sa mga papasok mula sa India sa lalong madaling panahon. Ito ay dahil sa bagong variant na nananalasa doon.

Habang sinusubukan nating masolusyunan ang pagtaas ng mga kaso sa Pilipinas, bantayan din natin ang mga pangyayari sa iba pang parte ng mundo para hindi ito mas lalong makaapekto sa kasalukuyang sitwasyon sa loob ng bansa. Kailangang palaging i-review ang existing border controls at paigtingin lalo ang mga travel restrictions, guidelines, timelines at exemptions na ipinapatupad natin.

Maliban dito, paigtingin pa dapat ang mga hakbang ng gobyerno kontra COVID-19, katulad ng mas mabilis na vaccination roll-out, targeted testing, contact tracing, at iba pa.

Bagamat patuloy ang pagbabakuna, huwag po tayong magkumpyansa. Gawin na natin ang kinakailangan sa lalong madaling panahon para mas maproteksyunan ang ating mga kababayan mula sa sakit na ito.

Sa ating mga kababayan, huwag nating sayangin ang lahat ng mga sakripisyo natin simula noong nakaraang taon. Patuloy tayong maging disiplinado sa pagsunod sa mga patakaran. Magtulungan at makiisa tayo sa bayanihan dahil delikado pa ngayon habang andyan pa ang mga banta ng kalabang hindi naman nakikita. Magmalasakit din tayo sa ating frontliners na patuloy na nagseserbisyo para mailigtas ang buhay ng kapwa nating Pilipino.

Popular

85% of Filipinos express distrust in China—OCTA survey

By Dean Aubrey Caratiquet Majority of Filipinos across socio-economic classes and across the archipelago declared sentiments of disapproval against China on multiple facets, according to...

PH, Australia to seal defense cooperation pact in 2026

By Priam Nepomuceno | Philippine News Agency The Philippines and Australia on Friday signed a statement of intent to pursue a Defense Cooperation Agreement that...

Iconic ‘70s ‘Love Bus’ returns in Metro Cebu, Davao City

By Brian Campued The nostalgia is strong in the air as the iconic “Love Bus” from the 1970s is finally revived and now plies the...

Gov’t ramps up interventions for Tropical Depression ‘Isang’

By Brian Campued The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) raised the blue alert status on Friday to monitor the possible effects of...