Symbolic vaccination para sa A4, gaganapin sa Lunes

Kasado na ang mga hakbang para sa inaasahang sunod-sunod na pagdating ng malalaking supply ng COVID-19 vaccines sa bansa simula bukas (Hunyo 6), ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Nasa 1 million Sinovac vaccine doses ang darating sa bansa ngayong Linggo (Hunyo 6), habang 2,280,000 Pfizer vaccine doses naman ang darating sa bansa sa Hunyo 10.

Tinatayang 2,028,000 doses naman ng AstraZeneca vaccines mula COVAX at karagdagang 4.5 million Sinovac vaccine doses ang inaasahang darating ngayong buwan.

Sa panayam ng PTV kay Galvez, ibinahagi niyang puspusan ang ginagawang inspeksyon ng Philippine Embassy sa Beijing, China para sa unang batch ng Sinovac vaccines na ipapadala sa bansa ngayong buwan.

Aniya, kasabay ng pagdami ng supply ang patuloy na pagpapalawak ng gobyerno sa mga sektor na binabakunahan sa bansa.

Samantala, gaganapin ang symbolic vaccination ng A4 priority group o ang economic frontliners sa darating na Lunes (Hunyo 7).

Kinabibilangan ng private sector workers, government workers, at informal sector workers at self-employed ang priority group A4.

“Sa aming desisyon po sa IATF (Inter-Agency Task Force), ang ating i-o-open sa A4 [ay] ‘yung 40 years old to 59 years old. Forty years old and above kasi ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ‘yung mga older people po ang tinatamaan [ng COVID-19] at nagkakaroon ng severe at critical cases,” saad ni Galvez.

Giit ni Galvez, bagama’t unti-unti nang binubuksan ang pagbabakuna sa A4, nangunguna pa rin sa prayoridad na mabakunahan ang mga nasa group A1, A2, at A3.

Kumpiyansa naman ang pamahalaan na mababakunahan ang lahat ng priority group bago matapos ang taon.

“Ang nakikita po nating target talaga, by November 27, lalong lalo na sa NCR (National Capital Region) Plus 8, ay makuha na natin ang population protection. Gusto po natin at least 58 million to 70 million Filipinos have at least ‘yung first dose makuha po nila. – Ulat ni Mela Lesmoras / CF- rir

Popular

Malacañang urges caution on calls to expel Chinese envoy

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday acknowledged calls for action against Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan over his...

Malacañang: Armed group sheltering Sen. dela Rosa a threat to nat’l security

By Dean Aubrey Caratiquet After several months of manhunt operations, authorities said that they have already identified the whereabouts of Senator Ronald “Bato” dela Rosa,...

Malacañang presses probe into reported Atong Ang escape

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday called for an investigation into possible lapses in law enforcement after Interior Secretary Jonvic...

PBBM, Japan reaffirm bilateral ties, regional cooperation

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and Japanese Prime Minister Sanae Takaichi on Tuesday reaffirmed their commitment to...