Tsukii 2.0: Fil-Jap karateka handa na para sa Hanoi Games

By Myris Lee

Dugo’t pawis ang inilaan ng Filipino-Japanese karateka na si Junna Tsukii upang paghandaan ang muling pagtatanghal ng Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa susunod na linggo.

Dalawang ginto ang target ngayon na maibulsa ng 30-year-old karateka. Una na rito ang pagdepensa sa kanyang kauna-unahang gintong medalya sa women’s 50 kilogram kumite noong 2019 Manila SEA Games sa loob ng ilang taong pagasali rito. 

Habang ang pangalawa naman ay mula sa women’s team kumite kasama sina 2019 SEA Games gold medalist Jamie Lim, bronze medalist Mae Soriano, at ang bagong Fil-Japanese ng pambansang koponan na si Lemon Misu. 

“I must get gold because I need to show my experience in the world.I did a lot of sacrifice, gave all my energy and life for that, so my preparation is perfect,“ saad ni Tsukii sa eksklusibong panayam ng PTV DMIS.

Ayon kay Tsukii, dahil hindi kabilang ang karate sa disiplinang lalaruin sa 2024 Paris Olympics. Bukod sa Hanoi Games, target ding pagningningan ni Tsukii ang 2022 Asian Games at World Games.

Matatandaang nabigo si Tsukii na makasungkit ng Tokyo Olympic spot noong nakaraang taon na siyang motibasyon nito upang mas pag-igtingin pa ang kakayahan. 

Hangad din ni Tsukii na mahigitan ang kanyang ikaapat na ranggo sa World Karate Federation 50-kilograms kumite category.

“They removed Karate after Tokyo. World Games they choose based on ranks and after that Asian Games is also an important tournament for us. After Hanoi, I have to prepare, tuloy-tuloy just like last year,” she said.

Samantala, nakatakdang lumaro ang Philippine National Karate Team sa biennial sportsfest mula May 18 hanggang 21 sa Ninh Binh Gymnasium. – ag

 

Popular

Finishing strong: PBBM vows to ‘pour everything’ in final 3 years

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency In the same hall where he once said “the state of the nation is sound,” President Ferdinand...

PBBM all set for SONA 2025; Speech to last for over an hour —PCO

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has finished rehearsing his fourth State of the Nation Address (SONA), which is estimated to last for...

House, Senate open 20th Congress’ 1st session

By Dean Aubrey Caratiquet The House of Representatives formally opened its first regular session for the 20th Congress at the Batasang Pambansa in Quezon City...

97% of Filipinos aware of VP Sara impeachment complaints—OCTA survey

By Dean Aubrey Caratiquet Majority of Filipinos across socio-economic classes and across the archipelago are aware of the impeachment complaints filed against Vice President Sara...