Vax for Kids, inilunsad sa Biñan City Laguna

By Tom Alvarez | Radyo Pilipinas Lucena

Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Biñan, Laguna ang bakunahan sa mga batang 5-11 taong gulang na ginanap sa Southwoods Mall at Historic Alberto Mansion kahapon, Pebrero 18.

Ayon sa opisyal na pabatid ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng City Information Office, naghanda sila ng puppet show, libreng mga pagkain, at regalo para sa mga batang nakiisa sa bakunahan.

Kaugnay nito ay sisimulan naman sa susunod na linggo ang Resbakuna Kids sa kaparehong age group sa mga paaralan sa Biñan na isasagawa sa Splash Island at Southwoods Mall.

Nauna nang isinagawa ang symbolic launching ng Vax for Kids sa mga lungsod ng San Pablo, Cabuyao, at Santa Rosa sa lalawigan ng Laguna nitong nakalipas na linggo.

Ayon naman sa Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) IV-A,  tinatarget nilang maturukan ng reformulated Pfizer vaccine ang mahigit sa 2 milyong kabataang kabilang sa age group 5-11 sa buong Calabarzon sa loob ng 3 buwan. (Radyo Pilipinas)

-ag

 

Popular

Nartatez takes oath as PNP OIC following Torre’s relief

By Brian Campued Police Lt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. on Tuesday officially took over the Philippine National Police (PNP) leadership as its officer-in-charge following the...

PBBM urges youth to continue honing skills amid changing world

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday called on the youth to continue enhancing their skills, stressing that their abilities are “more...

Palace sacks Torre as PNP chief

By Brian Campued Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III has been removed from his post, Malacañang confirmed Tuesday. In a letter dated Aug....

85% of Filipinos express distrust in China—OCTA survey

By Dean Aubrey Caratiquet Majority of Filipinos across socio-economic classes and across the archipelago declared sentiments of disapproval against China on multiple facets, according to...