31 ahensiya at LGU, tatanggap ng parangal mula sa KWF

Tatanggap ang 31 ahensiya at local government unit (LGU) ng prestihiyosong Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko para sa kanilang paggamit ng Filipino ngayong panahon ng pandemya sa pagtatapos ng Buwan ng Wika sa Agosto 31. 

Kinikilala ng parangal ang mga ahensiya at LGU na tumatalima sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (Executive Order o EO 335).

Hinihimok ng nasabing EO ang lahat ng mga kagarawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentalidad ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya. 

Para sa taóng ito, nagtuon din ang KWF sa naging pagkilos ng mga ahensiya at LGU sa paggamit ng Filipino sa panahon ng pandemya.

May apat na antas ang gawad mula 1 hanggang 4. Tatanggap ang sumusunod na ahensiya ng Selyo:

Unang antas: DBM, DAR, DOST, MTRCB, OPAP, JRMMC, Bayan ng Orion, Lungsod Parañaque, Lungsod Valenzuela, at Museo ng Pasig. 

Ikalawang antas: DA, DOLE-BWSC, DOT, DENR, DepEd Central, DepEd Rehiyon V, DILG, MIAA, PCOO, PAF, at Bayan ng Marilao.

Ikatlong antas: DSWD, MMDA, QMMC, RMC, at Lungsod Sta. Rosa. 

Ikaapat na antas: CFO, Lungsod Mandaluyong, Lungsod Maynila, at Lungsod Taguig.

At sa unang pagkakataon, pagkakalooban naman ng KWF Selyo ng Dangal sa Serbisyo Publiko ang Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas (PHLPost) para sa kanilang huwarang paggamit ng Filipino sa buong bansa.

Iginawad ang pinakamataas na karangalan sa PHLPost para sa kanilang limang magkakasunod na taóng pagtanggap ng parangal mula 2016–2021.  

Mapapanood ang online na parangal, 9:00 – 11:00 n.u., sa Facebook page ng KWF. (KWF)- jlo

Popular

PBBM honors Toots Ople with Order of Lakandula

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday honored the legacy of the late Maria Susana “Toots” Ople, who remained to shape and...

House, Senate ratify 2026 National Budget

By Dean Aubrey Caratiquet Shortly before Monday’s session adjourned to make way for the Christmas break, the House of Representatives ratified the report of the...

Bicam signs reconciled version of 2026 national budget

By Dean Aubrey Caratiquet After extensive deliberations of the bicameral conference committee from Dec. 14-18, members of the Senate and the House of Representatives formally...

PBBM salutes PH troops in West PH Sea; Soldiers get Noche Buena packages

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday hailed the Filipino troops manning West Philippine Sea (WPS) features who are spending the holidays...