By Racquel Bayan | Radyo Pilipinas
Iaakyat sa Alert Level 3 ang Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi, at Sulu simula bukas, Enero 28.
Ito ang kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ngayong gabi, base sa pinakahuling pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
“The Inter-Agency Task Force (IATF) approved on Thursday, January 27, 2022, the escalation of six (6) areas to Alert Level 3,” ani Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Ayon sa kalihim, iiral ang Alert Level 3 sa mga nabanggit na lugar hanggang Pebrero 15, 2022.
Matatandaan na sa isang panayam, una nang sinabi ng kalihim na posibleng sa weekend naman iaanunsiyo ang iiral na alert level sa Metro Manila para sa unang dalawang linggo ng Pebrero. (Radyo Pilipinas) -ag