Mas abot-kayang pautang at suporta sa sugarcane farmers, hatid ng LandBank at CSCI

Photos courtesy: LandBank, D.A.

Mas mapapadali na ang pagkuha ng puhunan ng mga sugarcane farmer sa Western Visayas matapos lagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng LandBank at Capiz Sugar Central, Inc. (CSCI) upang palawakin ang access sa abot-kayang pautang at iba pang suportang pang-agrikultura sa ilalim ng LandBank Agrisenso Plus Lending Program.

Sa ilalim ng kasunduan, magsisilbing anchor firm ang CSCI upang matulungan ang mga magsasaka sa pag-avail ng pautang mula sa LandBank. Kabilang dito ang pag-endorso ng mga kalipikadong benepisyaryo, pagtulong sa pagproseso ng requirements, at pagtiyak sa maayos na pagbabayad ng mga pautang.

Pinangunahan nina LandBank President and CEO Lynette Ortiz at CSCI President Terence Uygongco ang paglagda sa kasunduan noong Hulyo 9, kasama sina LandBank EVP Charlotte Conde at CSCI General Counsel Atty. Venir Cuyco.

Ayon kay LandBank President and CEO Ortiz, mas mapapalapit ng partnership ang kinakailangang puhunan at suporta sa mga magsasaka ng tubo upang mapataas ang kanilang produksyon at kita. 

Samantala, sinabi ni CSCI President Uygongco na makatutulong ang programa sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga magtutubo sa Western Visayas at sa patuloy na pag-unlad ng industriya ng asukal.  

Sa ilalim ng Agrisenso Plus Lending Program, maaaring makakuha ang mga magsasaka, mangingisda, agrarian reform beneficiaries o ARBs, kooperatiba, at maliliit na negosyo ng abot-kayang pautang, libreng insurance, pagsasanay, at tulong sa paghahanap ng merkado. 

As of May 2026, mahigit P4.2 bilyon na ang naipahiram ng LandBank sa mahigit 15,300 benepisyaryo sa buong bansa sa ilalim ng programa.

Ang inisyatibong ito ay kaakibat ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang produksyon ng pagkain at palawakin ang access sa puhunan sa ilalim ng UPLIFT (Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport) Program ng pamahalaan. (PR)

Popular

PBBM leads ceremonial turnover of DRRAP funds to LGUs; warns local execs vs. corruption

By Dean Aubrey Caratiquet Reaffirming the administration’s unwavering support to local government units (LGUs), President Ferdinand R. Marcos Jr. continues to move forward with initiatives...

PBBM receives credentials of Spanish envoy

By Dean Aubrey Caratiquet In a ceremony at Malacañang on Wednesday, President Ferdinand R. Marcos Jr. received the credentials of the newly appointed Ambassador-designate of...

PBBM issues EO institutionalizing framework for suspension, resumption of classes

By Dean Aubrey Caratiquet Applying lessons learned from the disharmony of class suspension announcements during the height of heavy rains brought by the enhanced southwest...

PBBM hails historic moment towards achieving lasting peace in Mindanao

By Dean Aubrey Caratiquet “Hinding-hindi namin kayo pababayaan.” Such a simple Filipino statement, yet one that defines a powerful message—a commitment to not leave someone behind...