JMC ng COVID-19 guidelines, nilagdaan na

Pormal nang inilabas ng tatlong ahensiya ng gobyerno ang joint memorandum circular (JMC) ng mga panuntunan tungkol sa health at quarantine protocols.

Sa isang virtual ceremony noong Hunyo 1, nilagdaan nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevara, at Philippine National Police (PNP) chief Police Gen. Guillermo Eleazar ang JMC.

Nakasaad sa limang pahinang JMC na epektibo ang guidelines sa buong bansa, anumang community quarantine classification man ang ipinatutupad dito.

Sa panig ng DILG, dapat matiyak nilang naipapatupad ng mga local chief executives ang health and safety protocols, kasabay ng pagbibigay ng kautusan sa mga local government units (LGUs) na magtayo ng holding area para sa mga mahuhuling lalabag sa mga health protocols.

Ayon kay Año, ang mga minimum health at safety standard violators ay hindi isasama sa mga kriminal upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga kulungan.

Pananagutin din ang mga local officials na hindi makapagpatupad ang mga health protocols base sa probisyon ng Local Government Code at Revised Penal Code.

Responsibilidad naman ng PNP ang tulungan ang mga LGUs na tiyakin na ang gagawing pag-aresto ay base sa probisyon ng local ordinance, at sumusunod sa criminal procedure lalo na sa mga warrantless arrest.

Layunin ng ginawang JMC ang maiwasan ang kalituhan ng publiko at law enforcement agents, lalo pa’t kaliwa’t-kanan ang naitatalang paglabag ng health protocols na naging super spreader events.

Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagsunod sa health protocols habang hinihintay na mas marami pa ang mabakunahan at maprotektahan sa COVID-19. – Ulat ni Patrick de Jesus / CF-jlo

Panoorin ang PTV video report dito:

Popular

Palace assures no cover-up in missing ‘sabungeros’ case amid search, retrieval ops

By Brian Campued The government remains committed to uncovering the truth about the case of the 34 missing “sabungeros” to serve justice to the victims...

Taal Lake site assessment yields sack containing ‘bones’ — DOJ

By Brian Campued The Department of Justice (DOJ) confirmed that authorities retrieved a sack containing burned remains believed to be human bones during the initial...

LTO integrates online driver’s license renewal system in eGovPH app

By Dean Aubrey Caratiquet The Land Transportation Office (LTO) has integrated the online driver’s license renewal in the eGovPH app, which ensures a fast and...

5 of 21 Filipinos in Houthi-hit ship in Red Sea rescued — DFA

By Joyce Ann L. Rocamora and Marita Moaje | Philippine News Agency Five of the 21 Filipino seafarers manning the cargo vessel Eternity C, which...