By Lorenz Francis Tanjoco | Radyo Pilipinas
Tagumpay na nairaos ang mock polls sa Metro Manila at ilan pang probinsya bilang paghahanda sa 2022 national and local elections, batay sa Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, marami ang nakiisa sa naturang aktibidad.
May mataas rin aniya itong turnout.
Samantala, may napansin din ang pamunuan na ilang concern sa pagpapatupad ng health protocols laban sa COVID.
Kaya aniya, kailangan nilang aralin ang mga nangyari sa mock elections at alamin kung paano ito mas maiaayos. -rir