Tolentino, kumpiyansa sa PH Kickboxing team

By Myris Lee

Muling sisipa para sa bayan ang Philippine National Kickboxing Team sa paparating na 31st Southeast Asian Games (SEA) Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam mula May 12 hanggang 23, 2022.

Mariing ipinagmamalaki ni Samahang Kickboxing ng Pilipinas President Sen. Francis Tolentino na ang kanyang 12-member team ang isa sa magbubuslo ng tagumpay sa biennial sportsfest.

“Kasama po ng sambayan ang Philippine Kickboxing team para magbigay muli ng karangalan sa bansa,” ani Tolentino sa isang pahayag.

Pinuri rin ni Tolentino ang pagiging huwaran ng bawat atletang Pilipino dahil sa kanilang sakripisyo at disiplina upang makapagbigay karangalan sa bansa, isang katangian na aniya natatanging susi ng bansa para sa kaunlaran.

“Higit sa napipintong tagumpay, ang kanilang sakrpisyo sa pagasasanay at pagpapakita ng disiplina, ay mga natatanging kaugaliang Pilipino na kailangan natin sa kaunlaran,” saad ng opisyal.

Samantala, ibabandera rin ng koponan ang bansa sa larangan ng Vovinam sa pangunguna nina SEA Games gold medalist Gina Iniong, silver medalist Jenelyn Olsim, at Zephuana Ngya para sa women’s division, habang sa men’s category naman ay sina Danny Kingan, Carlo Buminaang, at Renato Cha Jr.  – ag

 

Popular

PBBM talks about AI regulation, cyberbullying in podcast with university students

By Brian Campued In the sixth episode of the “BBM Podcast”, President Ferdinand R. Marcos Jr. sat down with students from the West Visayas State...

PBBM urges Congress to prioritize 4 bills

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has urged Congress to prioritize four proposed legislative measures during a Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting...

Palace: PBBM’s fight vs. corruption will not diminish

By Leonel Abasola | Philippine News Agency Malacañang on Monday said President Ferdinand R. Marcos Jr. will not waver in holding accountable those people behind...

Palace respects SC order to restore P60B PhilHealth fund

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Friday said it respects the Supreme Court’s (SC) order to restore the Philippine Health Insurance...