CHED, sinusuri ang mga pamantasang nais makapaglunsad ng limited face-to-face classes

By Christine Fabro

May 73 nang pamantasan sa buong Pilipinas ang nasuri ng Commission on Higher Education, Inter-Agency Task Force, at mga lokal na pamahalaan, bilang paghahanda sa pagbabalik ng limitadong face-to-face classes.

Ayon kay CHEd Chairperson Dr. Prospero de Vera III, nagsimula na ang limitadong face-to-face classes sa ilang mga pamantasan noong Enero.

“Ang nauna dito ay UP [University of the Philippines] College of Medicine, dahil inaprubahan ni Pangulong [Rodrigo] Duterte iyong limited face-to-face [classes] sa medicine at allied health sciences,” saad ni de Vera sa isang panayam sa Laging Handa public briefing noon Miyerkules (Hunyo 16).

Aniya, kabilang dito ang kurso na  nursing, dentistry, medical technology, physical therapy, at iba pang health-related courses. 

“Iba-iba iyong schedule nila. Iyong mga iba [ay] nagsimula na, iyong mga iba [ay] nasa gitna ng semester, [at] iyong mga iba, ngayong school year bubuksan, 73 na,” ani de Vera.

Ilan sa mga naunang naglunsad ng limited face-to-face class ay ang UP College of Medicine at Our Lady of Fatima University. Parehas itong hindi nakitaan ng impeksyon ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, tanging sa Region VIII lamang nakapagtala ng impeksyon ng COVID-19 dahil sa limitadong face-to-face classes. 

“Tinitingnan muna natin ang datos doon sa unang batch. Kung makikita sa datos na talagang ligtas ang mga bata dahil sa compliance sa guidelines, ang aking gagawin ay pupunta ako kay Presidente Duterte at hihingan ng approval na i-expand ito sa iba pang degree program na kailangan din ng face-to-face,” ani de Vera.

Isa sa mga kursong pinag-aaralan ngayon na buksan ng mga pamantasan ay ang Hotel and Restaurant Management course, kung saan mayroong mga asignatura na kinakailangang isagawa nang face-to-face.

Para sa CHEd, mahalagang sundin ang ibinigay na alituntunin sa pagbabalik-eskwela ng mga piling kurso, at patuloy na pag-monitor ng mga awtoridad upang maging ligtas ang mga estudyante.

Ilan sa mga hakbang na ginawa ng ibang pamantasan ay periodic swab testing ng mga estudyante at pagbabakuna sa mga ito, sa tulong ng Department of Health (DOH).

“Classified iyong mga estudyante at saka iyong mga clinical instructor sa medicine dahil sila ay pumupunta sa mga ospital. Classified sila na medical frontliners kaya ang karamihan sa kanila ay nabakunahan na pareho ang teacher at saka estudyante, kaya mayroong dagdag na proteksyon,” ani De Vera. – jlo

Popular

PBBM hopes next admins continue his structural reforms

By Brian Campued “I’m here to serve. I’m not here for myself.” President Ferdinand R. Marcos Jr. hopes that the next administrations will build on the...

Zaldy Co’s passport cancelled, Sarah Discaya in NBI custody  —PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday announced that the passport of former Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co has been cancelled. In...

PBBM wants public to choose leaders based on merit, not surnames —Palace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. wants to empower ordinary Filipinos through laws that ensure accountability and transparency in government, Malacañang said, stressing...

PBBM talks about AI regulation, cyberbullying in podcast with university students

By Brian Campued In the sixth episode of the “BBM Podcast”, President Ferdinand R. Marcos Jr. sat down with students from the West Visayas State...