Tulong para sa napag-iiwanang sektor tuloy-tuloy––Nograles

PR

Kaugnay sa most vulnerable sectors ng bansa na lubhang nangangamba mula sa pang-ekonomiyang epekto ng Covid-19 pandemic, binigyang diin ng Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Miyerkules na ibinubuhos ng gobyerno ang lahat ng mga resources nito upang magbigay ng tulong para sa mga sektor na nangangailangan, tulad ng mahihirap, kabataan, displaced workers, at naghihikahos na mga magsasaka.

Sa kanyang talumpati sa pangatlong Pre-State of the Nation Address (SONA) na inorganisa bilang introduksiyon para sa SONA ng Pangulo ngayong Lunes, ikinalulungkot ni Nograles na “tulad ng anumang natural na kalamidad, itong pinaka-mahinang sektor ng lipunan ang malakas na nahahambalos ng pandemyang ito: ang ating mga magsasaka, ating kabataan, ating mahihirap na kababayan.”

“Matindi; malawak; at masakit ang epekto ng Covid-19. May mga pamilyang di makakain. May mga pamilyang di makakapag-paaral.”

Ayon sa opisyal ng Palasyo, hindi ito lingid sa kaalaman ng gobyerno, ang dahilan kung bakit binibigyang diin ng Department of Social Welfare and Development Secretary na si Rolando Bautista noong nakaraang linggo, na “patuloy na nagtutulungan ang lahat ng ahensiya… sa pagbangon ng ating kapwa Pilipino mula sa krisis na atin ngayong hinaharap.”

Sinabi ni Nograles na “malinaw po ito sa ibinuhos na pondo para magbigay ng ayuda at para matulungan ang ating mga kababayan.”

“Tulad ng iniulat ni Secretary Bautista, mahigit sa 106 bilyong piso mula sa aming Social Amelioration Program o SAP ang ipinamamahagi upang magbigay ng tulong sa mahigit 19 milyong mga benepisyaryo sa panahon ng pandemya. Bukod po dito, naglaan din ng pondo ang gobyerno para sa ating mga manggagawa, mga magsasaka, at mga estudyante,” paliwanag ng Cabinet official.

Halimbawa, binigyang punto ng dating mambabatas mula sa Davao na ang SSS ay “naaprubahan ang kabuuang 479,000 applications para sa calamity assistance na nagkakahalaga ng 7.5 billion pesos.”

“Sa ngayon, naglabas ito ng 1.7 billion pesos sa 102,500 borrowers. Inilunsad din nito ang isang programa para sa mga na-lay off na manggagawa, at mula nang magsimula ang lockdown, na-aprubahan na ang 6,300 applications totaling 84.4 million pesos. Sa ngayon, ini-release na ng SSS ang 76.2 million worth ng benepisyo ng 5,740 applicants.”

Ang Department of Labor and Employment, ayon kay Nograles, ay nagpalawig din ng tulong pinansiyal na may kabuuang halagang 6.4 billion pesos para sa mahigit 1.18 milyong displaced employees sa formal at informal sectors ng ekonomiya, kabilang ang pagbabalik o pag-uwi ng OFWs.

“Samantala, naglabas ang Department of Agriculture ng cash subsidies sa mahigit isang milyong apektadong magsasaka at mangingisda na nagkakahalaga ng anim na bilyong piso,” dagdag ni Nograles.

“Para naman sa mga apektado sa sektor ng edukasyon, may mga hakbang at programa na inilunsad ang pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan nila. Para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno, ang Government Service Insurance System ay nagbukas ng new 30,000-peso computer loan program upang matulungang makabili ang mga miyembro ng isang computer bilang paghahanda sa paglipat natin patungo sa distance learning or online classes,” paliwanag ng tubong Mindanao.

“Bilang karagdagan dito, sa Setyembre, ilulunsad ng GSIS ang isang educational loan program para sa mga miyembro nito upang matulungan silang makapagbayad ng matrikula at iba pang mga bayarin sa paaralan para sa kanilang nominated student-beneficiaries. Maglulunsad ang GSIS ng mga bagong programa para matulungan ang mga kawani ng pamahalaan sa pagpapa-aral sa kanilang mga supling. Maliban sa computer loan program, mayroon ding programa para sa matrikula at iba pang mga kaugnay na bayarin.”

Ipinaliwanag ni Nograles na upang matugunan ang mga pakikibaka ng mga private schools, private educational institutions ay maaari ring humingi ng tulong mula sa Land Bank of the Philippines’ “study now, pay later” lending program. Iniulat niya na mula nang ilunsad ang programa dalawang buwan na ang nakalilipas, higit sa 80 ed ucational institutions nationwide ang nagpahayag ng interes sa pag-access nitong credit facility, at sa pagsisimula ng buwang ito, inaprubahan na ng bangko ang mga loan applications na umaabot sa 260 milyong piso.

“Ito ang iilan sa mga hakbang ng gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng ating mga naghihirap na kababayan.”

Popular

PBBM honors fallen airmen of ill-fated Super Huey chopper

By Brian Campued In honor of their sacrifice in the line of duty, President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday paid his respects to the...

‘State of Nat’l Calamity’: DTI sets 60-day price freeze, GSIS opens emergency loan

By Brian Campued Following President Ferdinand R. Marcos Jr.’s declaration of a “State of National Calamity” due to the impact of Typhoon Tino and in...

PBBM orders release of P1.3 trillion budget to boost social services, disaster recovery efforts

By Dean Aubrey Caratiquet Consistent with the government’s efforts to uplift Filipinos’ lives even in the face of calamities, President Ferdinand R. Marcos Jr. directed...

PBBM orders preps for incoming storm, probe into other causes of massive floods in Visayas

By Dean Aubrey CaratiquetWith an upcoming storm set to enter the Philippine area of responsibility (PAR) within the next few days, President Ferdinand R....