Posibleng gawing requirement na fully vaccinated ang mga papayagang pumasok sa loob ng Batasang Pambansa sa susunod na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay House Secretary-General Mar Llandro Mendoza, posible ring 150 to 200 bisita ang payagan na makapasok sa Batasang Pambansa, pero nasa diskresyon pa aniya ito ng Malakanyang.
Aniya, magiging requirement pa rin ang negative RT-PCR test bago papasukin ang mga bisita katulad ng patakaran noong nakaraang SONA.
“Actually, i-a-adjust natin ‘yung set up sa mag-occupy na members, nasa first and second gallery sila. Pati ‘yung physical distancing susundin natin,” ani Mendoza.
Umaasa naman si House Majority Leader Martin Romualdez na mapayagan ang iba pang media stakeholders na makapag-cover sa Batasan. Sa kasalukuyan, government media pa lang ang pinapayagan.
“We will do our very best to secure the participants, the President,” ani Romualdez. – Ulat ni Daniel Manalastas/AG-rir
Panoorin ang buong ulat:
